BIGO SA ARAW NG MGA PUSO | Lalaki, huli sa pagnanakaw ng tsokolate na ipangreregalo sana sa nobya

42

Pasay City – Sa kagustuhan mapasaya ang kaniyang girlfriend ngayong Valentine’s day, kalaboso ngayon ang isang lalaki matapos na magnakaw ng tsokolate sa isang supermarket sa Pasay City.
Nakilala ang suspek na si Mervin Dutullo, 20-anyos na residente ng Dasmariñas, Cavite.
Sa imbestigasyon ng Pasay police, nasakote ng civilian guard na si Jorge Batung ng hypermarket ang suspek matapos itong maaktuhang sinisikwat ang tsokolate saka dumiretso palabas nang hindi nagbabayad.
Aabot sa P684.00 pesos ang halaga ng nasabing tsokolate (Toblerone) kung saan aminado ang suspek sa nagawa at sinabing ipangreregalo sana niya ito sa kaniyang nobya.

Facebook Comments