BIGTI | 25-anyos na binata, nagpakamatay matapos pagalitan ng nanay

133

Capiz – Isang 25-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti matapos itong magtampo ng pagalitan ng ina sa bayan ng Dao, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Ronel Diaz na residente ng Barangay Daplas.

Sa ulat, nakita ang biktima na nakabitay sa puno ng mangga ng mismong ama nito na si Rogie Diaz.

Sa imbestigasyon, bago nagpakamatay ang biktima ay pinagalitan ito ng kanyang ina kaya nagtampo hanggang sa nagdesisyong magpakamatay.

Facebook Comments