Bike pantry para sa mga healthcare workers sa parañaque, inilunsad

89

Inilunsad ng Parañaque City government ang “bike pantry” para sa mas madaling mobilization ng mga health care workers ng Ospital ng Parañaque 1 at 2.

Nakatalaga ang mga “bike pantry” sa OSPAR 1 sa Barangay La Huerta at OSPAR 2 sa Barangay Don Bosco.


Tig-limang bisikleta ang nakaposisyon na maaaring gamitin ng mga healthcare workers sa mabilisang pagbili ng gamot sa botika o hindi kaya’y pagpunta sa munisipyo.

Ayon kay Dr. Jefferson Pagsisihan, medical director ng OSPAR 1&2, ang mga bisikleta ay ekslusibo lamang na gagamitin ng mga medical healthcare workers para mabilis na tugunan ang mga pangangailangan sa ospital.

Hindi naman maaaring gamitin ng mga health workers ang bike pauwi sa mga tahanan.

Facebook Comments