Biktima ng ligaw na bala sa pagsalubong ng 2019, umabot sa 2

88

Umabot na sa dalawa ang biktima ng stray bullet sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kabilang dito ang biktimang si Rodolfo De Guzman, 63-anyos na tinamaan ng ligaw na bala sa kanyang kamay habang nasa labas ng kanilang bahay sa San Carlos City sa Pangasinan.

Agad na isinugod sa pagamutan si De Guzman kung saan isinailalim ito sa operasyon para matanggal ang bala.

Tinamaan din ang ligaw na bala ang isang matandang babae sa Iligan City.

Nabatid na kumakain ang biktima kasama ang kanyang mga apo ng bigla na lang itong tamaan ng inaakala niyang bato pero ligaw na bala pala.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Facebook Comments