Bilang ng Active Cases ng COVID-19 sa Isabela, Nasa higit 400 na Lamang

25

Cauayan City Isabela- Bumaba na lamang sa 463 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa inilabas na datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes, November 29, 2021, mayroon na lamang 463 Covid-19 active cases ang probinsya kabilang na rito ang naitalang 35 na panibagong positibong kaso.

Mayroon namang 49 na COVID-19 patients ang naitalang bagong gumaling samantalang walang naiulat na nasawi.


Kaugnay nito, tumaas sa 57, 976 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na pasyente habang umabot na sa 2,042 ang kabuuang kaso ng Covid-19 related deaths.

Sa ngayon, mayroon ng 60, 481 na kabuuang bilang ng kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19 sa buong Probinsya ng Isabela.

Facebook Comments