Bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, pumalo na sa mahigit 1,000

35

Tumaas pa ang bilang ng active cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Makati, dahil ngayong umaga ay nasa 1,149 na ito, mula sa 1,134 kahapon.

Maliban dito, tumaas din ang kabuuang bilang ng COVID-19 ngayong umaaga matapos madagdagan ito ng 43 bagong kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Nadagdagan din ang bilang ng recoveries na umaabot na ng 4,789 habang nasa 218 na ang nasawi na dulot na virus.

Pero mayroong 204 na suspected cases ang lungsod at zero naman sa probable case.

Payo naman ni Mayor Abby Binay na panatilihing sumunod sa mga health protocols at huwag muna maglalalabas ng bahay upang maging ligtas laban sa COVID-19.

Facebook Comments