Bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, pumalo na sa mahigit 1,000

Umabot na sa 1,027 ang kabuuang bilang ng active cases ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga.

Umabot na sa 3,290 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID -19 matapos makapagtala ng 60 nagpositibo sa naturang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 2,148 na ang mga gumaling at 115 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi dulot ng virus.


Ang bilang ng suspected COVID-19 Case ay umabot na sa 1,382 at ang probable case naman ay 149.

Facebook Comments