Bilang ng active cases sa Lungsod ng Makati, nadagdagan ng 18

14

Nakapagtala ang Makati Health Department (MHD) ng labing walong bilang ng active case sa nakalipas na 24 oras, dahilan para tumaas ito sa 222.

Ayon sa pamunuan ng MHD, ito ay dahil mas marami ang mga tinamaan ng naturang sakit kumpara sa mga gumaling sa loob ng 24 oras.


Batay sa kanilang datos sa nasabing panahon, dalawampu’t dalawa ang bilang ng naidagdag sa kumpirmadong kaso ng COVID-19, kaya naman ang kabuuang bilang nito ay umabot na sa 10,324.

Habang apat lang ang mga bagog gumaling sa naturang sakit dahilan upang bahayang tumaas ito sa 9,721.

Nananatili naman sa 381 ang bilang ng nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Facebook Comments