Bilang ng active COVID-19 cases sa bansa, nasa halos 48,000 pa

Umaabot pa sa 47,655 ang aktibong COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 209 lamang na bagong recoveries.

Ang total recoveries ngayon ay 273,313.


2,093 naman ang bagong COVID-19 cases sa bansa kaya umaabot na ngayon ang total cases sa 326,833.

25 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 5,865.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino sa abroad na naka-recover at binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang recoveries sa 6,903 habang ang total fatalities ay 799.

3 naman ang bagong kaso kaya ang total cases ngayon sa mga Pinoy sa abroad ay 10,843.

Sa nasabing bilang, ang active cases ay 3,141.

Facebook Comments