Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19, bahagyang tumaas

39

Pumalo na sa 3,689,865 ang COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 209 na bagong kaso kahapon.

Batay sa Department of Health (DOH), bahagyang tumaas sa 2,422 ang aktibong kaso nito mula sa naitalang 2,323 noong Huwebes.

Ang mga rehiyon na may mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 989, Region 4-A na may 355 at Region 3 na may 272 cases.


Nasa 3,626,988 naman ang mga gumaling sa nakakahawang sakit habang umakyat pa sa 60,455 ang mga nasawi.

Sa kabila nito, nananatili ang bed occupancy rate ng bansa sa 17.5% kung saan 5,388 hospital beds ang ginagamit.

Facebook Comments