Bilang ng bagong COVID cases sa bansa, mataas pa rin; mga Pinoy sa abroad na na-infect ng virus, muli ring tumaas

43

4,444 ang panibagong nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa bansa.


Bunga nito, umaabot na ang total cases sa 143,749 kung saan ang active cases dito ay 72,348.

636 naman ang bagong recoveries kaya umaabot na ngayon ang total recoveries sa 68,997.

93 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya umaabot na ang total deaths sa 2,404.

Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tumaas din ang bilang ng mga Pilipino na panibagong tinamaan ng COVID-19 mula sa 72 na mga bansa.

Ayon sa DFA, 42 ang panibagong kaso ng COVID sa hanay ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa ibayong dagat.

Bunga nito, umaabot na ngayon ang total cases sa 9,816 kung saan ang active cases dito ay 3,293.




Ang mga panibagong kaso ay naitala mula sa Asia and the Pacific at Middle East.

13 rin na mga Pinoy sa Middle East ang panibagong binawian ng buhay kaya umaabot na ang total deaths sa 721.

Facebook Comments