BILANG NG BATANG INA SA REHIYON UNO, TUMAAS

Tumaas ang bilang ng mga naitalang batang ina sa Ilocos Region o ang mga babaeng nanganak sa edad na kinse pababa, ayon sa tala ng Commission on Population and Development Region 1.

Ayon sa datos, naitala ang 137 bilang ng batang ina o katumbas ng 269.5% pagtaas kumpara noong 2020 na mayroon lamang 38.

Ayon sa CPD Region 1, kapansin-pansin ang pagtaas nito particular sa Pangasinan kung saan mula sa 10 noong 2020 ay pumalo ito sa 75 noong 2023, pati na rin sa mga probinsya ng La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte.

Sa pahayag ni CPD Region 1, Director Aileen Serrano, binigyang diin nito ang pagsasagawa ng mga hakbang upang mapababa ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa.

Aniya pa ay tungkulin din ng kanilang tanggapan na tuparin ang mandato ng batas particular ang Executive Order No. 141, o ang Adopting as a National Priority the Implementation of Measures to Address the Root Causes of the Rising Number of Teenage Pregnancies.

Dagdag pa riyan ang pakikiisa ng tanggapan na magpatupad ng iba pang polisiya upang mabawasan ang mga naitatalang batang ina mula 10-14 anyos.

Kaisa naman sila sa panawagan ukol sa pagpasa ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill na mainit na pinagtatalunan sa senado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments