Bilang ng COVID-19 active cases sa lungsod ng San Juan, patuloy ang pagbaba

29

Nabawasan ng 30 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng San Juan sa nakalipas na 24 oras kaya naman nasa 39 na lang ito ngayong umaga.

Ito ay batay sa pinakabangong tala ng City Health Office ng nsabing lungsod.


Sa kanilang datos, mas marami rin ang gumagaling sa nasabing sakit kung saan kahapon ay mayroong 31 na gumaling habang isa naman ang naidagdag sa kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa kabuuang bilang, nasa 3,322 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments