Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, halos 300,000

42

299,361 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 2,630 na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 61,766 ang active cases.

69 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay 5,196.

494 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries na ay 232,399.

Samantala, wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 786.

Wala ring naitala ang DFA na Pinoy na gumaling sa COVID-19 sa ibayong dagat kaya ang total recoveries ay nananatili pa rin ay 6,645.




2 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases sa hanay ng mga Pinoy mula sa 78 na mga bansa ay 10,430.

Sa nasabing bilang, 2,999 ang active cases.

Facebook Comments