Bilang ng COVID-19 cases sa bansa, umakyat na sa 13,777

67

Nadagdagan pa ng 180 na panibagong kaso ang COVID-19 sa bansa.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 13,777 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases kung saan 9,737 rito ay aktibong kaso.


Pinakamadami pa ring naitalang bagong kaso sa National Capital Region (NCR) na may 114 o 63% habang ang 66 o 37% rito ay mula sa iba’t-iba lugar sa bansa.

Sumampa naman sa 3,177 ang mga gumagaling na sa sakit matapos madagdagan ng 85 recoveries.

Anim naman ang dumagdag sa mga nasawi na umabot na sa 863.

Facebook Comments