Bilang ng COVID-19 cases sa Mandaluyong, pumalo na sa mahigit 1,500

59

Umakyat na sa 1,535 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong.


Ito ay matapos madagdagan ng 26 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Batay sa tala ng Health Department ng lungsod, nagkaroon din ng isang bagong nasawi ng dahil sa virus kaya naman nasa 82 na ang death toll ng lungsod.

Mataas naman ang bilang ng recoveries ng Mandaluyong kahapon, dahil mayroon itong 19 recoveries dahilan para umabot na ng 870 ang kabuuang bilang nito.

Ang active cases ay nasa 583 na.

Habang, mayroon namang 1,155 na mga suspected cases at 268 ang probable cases ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments