Bilang ng COVID-19 recoveries sa bansa, bahagyang tumaas; mga Pinoy na tinamaan ng virus sa abroad, lalo pang tumaas

57

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.


Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala sila ng 1,403 new recoveries na mayroong kabuuang 70,387.

4,002 naman ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kaya umaabot na ngayon ang total cases sa 147,526.

Sa nasabing bilang, 74,713 ang active cases.

Nakapagtala rin ang DOH ng 23 na panibagong binawian ng buhay na umakyat na sa 2,426 total deaths .

Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tumaas pa ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Ito ay matapos na makapagtala ng panibagong 57 na kaso sa Asia and the Pacific at Middle East.

Bunga nito, umaabot na sa 9,873 ang bilang ng mga Pinoy mula sa 72 na mga bansa ang na-infect ng nasabing virus.

3,330 sa nasabing bilang ang active cases.




Umaabot naman ngayon ang total deaths sa 722 matapos madagdagan ng isa, habang ang recoveries ay nasa 5,821.

Facebook Comments