Bilang ng COVID active cases sa lungsod ng Makati, bumaba

16

Inihayag ng Makati Health Department (MHD) na bumaba ng 16 ang bilang ng active cases sa lungsod.

Batay sa kanilang datos, mula 208 noong Martes, bumaba ito sa 192 kahapon.


Paliwang ng MHD, ito ay dahil sa mas marami ang mga gumaling sa lungsod kahapon na umabot ng 38 ang new recoveries.

Habang 22 lang ang mga bagong tinamaan ng nasabing sakit.

Nananatili naman sa 192 ang kabuuang bilang mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Meron isang indibidwal naman ang kabilang sa probable case at 88 na mga indibidwal din ang kabilang sa suspected cases ng COVID-19 sa lungsod.




Sa kasalukuyang datos ng MHD, umabot na sa mahigit 10,900 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, kung saan mahigit 10,300 nito ang kabuuang bilang naman ng mga nakarekober mula sa naturang sakit.

Facebook Comments