Bilang ng COVID recoveries sa bansa, mababa pa rin; mild cases, naitala sa 91.6%

41

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng panibagong 280 recoveries sa COVID-19 sa bansa.

2,987 naman ang bagong kaso kaya umaabot na ang kabuuang kaso ngayon sa 139,538.


Sa naturang bilang,68,794 naman ang active cases.

Ang total recoveries naman ngayon ay 68,432 habang ang total deaths ay 2,312 matapos madagdagan ng 19.

Naitala naman ng DOH ang mild cases sa 91.6% habang ang asymptomatic ay 7.2%.

0.6% naman ang severe cases gayundin ang kritikal.




Facebook Comments