Bilang ng gold medals na nasungkit ng Pilipinas sa SEA Games noong 2005, nahigitan na

226

Sunod-sunod na bronze medal ang naibulsa ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng 30th Southeast Asian Games ngayong araw.

Sinimulan ni Sonny Montenegro Wagdos ang kampanya ng bansa sa men’s 5000 meter dash.


Nakasungkit din ng bronze sina Sharief Afif para sa karate kumite individual +75kg at Ivan Agustin sa 75kg category.

Wagi din ng bronze medal si Charmaine Dolar na nagpamalas ng galing sa gymnastic women’s aerobics event.

Ito na ang ika-siyam na araw ng SEA Games kung saan nangunguna pa rin ang Pilipinas sa overall medal tally na may kabuuang 290: 113 gold, 86 silver at 91 bronze.

Nahigitan na rin ng bansa ang 112 gold medals na nasungkit nito noong 2005.




Facebook Comments