Bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19, mahigit 18,000 na

39

Umakyat na sa 18, 253 ang bilang ng health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang magandang balita ay mataas naman ang recovery rate sa kanilang hanay.


Sa nasabing bilang, 18,010 ang nakarekober na sa virus habang 148 na lamang ang aktibong kaso.

Sa bilang na ito, 81 ang mild, 32 ang asymptomatic, 20 ang nasa severe condition, 9 ang kritikal, at 7 ang nasa moderate condition.

Nadagdagan naman ang bilang ng nasawi sa mga medical frontliner na ngayon ay umabot na sa 94.

Pinakamarami sa mga nasawi ay sa hanay ng mga doktor, sinundan ng mga nurse at admin staff.



Facebook Comments