Bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, sasampa na sa 10,000

40

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 9,822 na kaso ng COVID-19 sa mga healthcare workers.

Ito ay matapos madagdagan ng 475 bagong kaso.

Sa COVID-19 report, nasa 9,100 na ang nakarekober habang umakyat sa 61 ang namatay.

Aabot naman sa 661 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.

Ang limang medical professions na may mataas na COVID-19 cases ay mga nurses na may 3,402 infections, doctors na may 1,762, nursing assistants na nasa 744, medical technologists na nasa 457 at midwives na nasa 245.

Higit 500 iba pang medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ang kasama rin sa tally.

Facebook Comments