Bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 9,347 

94

Umabot na sa 9,347 healthcare workers ang dinapuan ng COVID-19 matapos madagdagan ng nasa 305 bagong kaso. 

Sa datos ng Department of Health (DOH), aabot na sa 8,597 health workers ang gumaling sa sakit habang umakyat sa 59 ang namatay. 

Nasa 690 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine. 

Ang limang medical professions na may mataas na kaso ng COVID-19 ay nurses na may 3,263 infections; kasunod ang mga doctor (1,719); nursing assistants (720); medical technologists (436); at midwives na may 227 na kaso. 

Aabot naman sa higit 500 non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards, at administrative staff ang kasama sa tally. 

Facebook Comments