Bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, umakyat na sa higit 2,600 – DOH

69

Pumalo na sa 2,606 ang bilang ng healthcare workers na dinapuan ng coronavirus disease.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa nasabing bilang, 1,402 healthcare workers ang gumaling habang nananatili sa 32 ang bilang ng namatay.


Nasa 1,172 medical professionals ang itinuturing na active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.

Ang bilang ng mga healthcare workers na nagkaroon ng COVID-19 ay 15% ng kabuuang infection sa buong bansa.

Sa huling datos, umabot na sa 18,638 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 3,979 ang gumaling habang 960 ang namatay.

Facebook Comments