BILANG NG ILEGAL AT OVERSIZED FISH PENS/FISH CAGES SA KAILUGAN NG DAGUPAN NA BINAKLAS, UMABOT NA SA 18

Umabot na sa 18 ang bilang ng illegal at oversized fish pens/fish cages sa kailugan ng Dagupan ang binaklas.
Ito ay nang magsimula ang pagbabaklas noon pang ika-14 ng Nobyembre ayon sa City agriculture Office.
Kahapon, inalis ng Task Force Bantay Ilog ang karagdagang dalawa pa na ilegal at oversized fishpens sa Sitio Sabangan, Bonuan Gueset.

Magpapatuloy ang operasyon sa iba pang naka schedule for demolition matapos na mabigyan ang mga owners and operators nito ng notice of violation and demolition.
Pumirma rin sa waiver ang mga may-ari nito na pinahihintulutan ang mga Bantay Ilog personnel na mag dismantle/demolish ng kanilang istruktura. |ifmnews
Facebook Comments