Bilang ng illegal recruiters na naaresto sa NAIA, patuloy na tumataas — BI

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga indibidwal na sangkot sa illegal recruitment o ano mang iligal na aktibidad na magtatangkang dumaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, tumataas na naman ngayon ang bilang ng mga naaresto sa NAIA kaugnay sa kaso ng human trafficking.

Kabilang na nga rito ang catfishing kung saan ginagawang scammers abroad ang mga biktima.

Ang modus umano’y aalukin ang mga ito bilang call center agents pero pinagtatrabaho bilang scammers sa ibang bansa gaya ng Cambodia, Myanmar at Laos.

Samantala, nagpaalala naman si Sandoval sa mga Pinoy na nais maging Overseas Filipino Workers (OFWs), maging maingat at sundin ang legal process sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW).

Facebook Comments