Bilang ng kaso COVID-19 sa Mandaluyong City, muling nadagdagan

Pumalo na sa 1,182 ang kabuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong City ngayong araw, July 16, 2020.

Ito ay matapos makapagtala ng 29 na bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod.

Batay sa ulat ng Health Department ng Mandaluyong City, mayroon ding bagong apat na recoveries ang lungsod, kung saan mayroon na itong kabuuang bilang na 780.


Nananatili naman na 73 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Ang suspected COVID-19 cases sa lungsod ay nasa 785 ang kabuuang bilang at 163 naman ang bilang ng probable cases.

Facebook Comments