Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, aabot na sa mahigit 8,000

28
Photo Courtesy: Makati City Government

Sumampa na sa 8,136 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati.

Ito ay batay sa tala ng Makati City Health Department kagabi.


Mula sa nasabing bilang, 7,519 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit habang ang 298 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.

Ang natitirang 319 naman ay bilang ng active cases sa lungsod na patuloy pa rin binibigyan ng tulong medikal habang nananatili ang mga ito sa quarantine facility ng lungsod.

Meron din 161 na suspected cases at isang probable case ng COVID-19 na mino-monitor naman ng mga health workers ng health department ng naturang lungsod.

Paalala naman ng Makati City Government sa mga residente nito na manatili sa loob ng bahay at iwasan muna ang paglalabas kung hindi naman kailangan upang maging ligtas.




Facebook Comments