Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, umabot na sa mahigit 5,600

38

Pumalo na sa 5,601 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Makati ngayong umaga.

Mula sa nasabing bilang, 4,183 nito ay bilang ng recoveries habang umabot na ng 202 ang bilang naman ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Dahil dito, nasa 1,216 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Mayroon namang 412 na mga suspected cases at 4 lang ang bilang ng probable cases.

Payo naman ni Makati Mayor Abby Binay sa mga residente ng lungsod na huwang muna lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan upang maging ligtas.

Dagdag pa niya na panatilihing sumunod sa ipinatutupad na mga health protocol ng lungsod at national government upang di na mahawa at kumalat pa ang naturang virus.

Facebook Comments