Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Mandaluyong, pumalo na sa mahigit 1,800 ngayong araw

26

Muling nakapagtala ng 30 bagong kumpirmanadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong sa nakalipas na 24 oras.


Dahil dito, umakyat sa 1,884 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ngayong umaga sa naturang lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 85 rito ay mga nasawi na dulot ng virus habang ang 1,088 ay kabuuang bilang ng recoveries ngayon araw.

Kaya naman nasa 711 ang kasalukuyang bilang ng active case ng COVID-19 sa lungsod na patuloy pa ring tinututukan at binabantayan ng City Health Department.

Mayroon namang 1,196 na mga suspect case at 402 naman ang probable case ng COVID-19 ang lungsod.

Facebook Comments