Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa, umabot na sa mahigit 5,200

18

Muling nakapagtala ang Muntinlupa City Health Department ng 30 bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na 24 oras.

Dahilan para tumaas sa 5,218 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Mula sa nasabing bilang, 4,988 ang gumaling na sa naturang sakit habang nasa 167 ang mga nasawi sa lungsod.

Nasa 63 ang bilang ng active case sa lungsod na patuloy nananatili sa kanilang sa mga quarantine facility.

Dahil sa bagong naitalang kaso ng nasabing sakit, may paalala ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa mga residente nito na huwag maging kampante at mahigpit na sumunod sa mga Health Protocols upang maging ligtas.

Facebook Comments