Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay, muling tumaas

68

Muling nadagdagan ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay ngayong araw.

Batay sa pinakabagong tala ng City Health Office ng lungsod, nadagdagan ng 25 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 dito dahilan para tumaas ito sa 22,225.

Dalawa naman ang bilang ng mga bagong gumaling na sa naturang sakit.


Kaya naman umabot na sa 21,520 ang bilang ng recovery sa lungsod.

Nanatili naman sa 554 ang bilang ngayon ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Dahil dito, muli ring tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod na ngayon ay nasa 151 na.



Facebook Comments