Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Makati City, umabot na sa 701

Siyam na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Health Department ng Lokal na Pamahalaan ng Makati City.

Anim rito ang naitala sa Post Proper Southside habang tag-iisa sa Barangay Guadalupe Nuevo, Pembo at South Cembo.

Dahil dito, umabot na 701 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Sa nasabing bilang, 66 na ang nasawi at 291 ang gumaling.

Bukod dito, mayroon pang 384 na suspected cases at lima ang probable cases sa lungsod.

Facebook Comments