Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Makati City, umabot na sa mahigit 8,400

21

Inihayag ng Makati Health Department na umabot na sa 8,424 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 7,868 dito ay bilang ng mga gumaling mula sa naturang sakit.


Habang ang 306 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.

Ang natitirang 250 naman ay bilang ng mga active cases ng COVID-19 sa Makati City.

Dahil mataas pa rin ang bilang ng active cases sa lungsod, may panawagan si Makati Mayora Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Kung sa pakiramdam naman aniya ay mayroon sintomas ng COVID-19, mangyaring tumawag sa 168 o (02) 8942 6843 at huwag lumabas ng bahay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.




Facebook Comments