Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, mahigit 5,200 na

24
Photo Courtesy: Mandaluyong PIO | Facebook

Umabot na sa 5,284 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong matapos madagdagan ng siyam na bagong kaso sa loob ng 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 4,733 na ang mga gumaling na mula sa naturang sakit habang 170 naman ang mga nasawi.

Dahil dito, 381 naman ang bilang ng active case sa Mandaluyong na patuloy mino-monitor at naka-confined sa local quarantine facility.

Meron naman 1,527 ang suspected case at tatlo lang probable cases sa lungsod.

Facebook Comments