Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong, higit 2,000 na

Umakyat na sa 2,121 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City.

Batay sa tala ng health department ng lungsod, 45 bagong kaso ng COVID-19 ang naidagdag sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa kabuuang bilang, 1,351 na ang gumaling habang 90 ang nasawi.


Nasa 680 naman ang aktibong kaso ng sakit.

Patuloy ding mino-monitor ng City Health Department ang 1,001 suspected cases at 138 probable cases sa lungsod.

Facebook Comments