Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, pumalo na sa mahigit 3,300

24

Muling nakapagtala ang Muntinlupa City Health Department ng 37 bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa nakalipas na 24 oras.

Dahil dito, umakayat ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng 3,310.

Mula sa nasabing bilang, 2,417 sa kanila ang mga gumaling na sa sakit habang ang 117 naman ay mga nasawi dulot ng virus.

Kaya naman, sa ngayon, mayroong 776 na active COVID-19 cases ang lungsod na patuloy na mino-monitor at binabantayan ang kalusugan.

Ngayong araw, nasa 812 ang kabuuang bilang ng probable cases at 619 naman ang bilang ng suspected cases ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments