Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police, umabot na sa 31,238

Umabot na sa 31,238 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Kabilang dito ang 158 na bagong naitala habang 1,498 naman ang aktibong kaso.

Ayon sa PNP Health Service, 47 ang bagong gumaling na tinatayang aabot na sa kabuuang 29,655 recoveries.


Nasa 85 naman ang naitalang death toll sa hanay ng PNP.

Facebook Comments