Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig, pumalo na sa mahigit 8,000

26

Sumampa na sa 8,136 ang kabuuang bilang ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig, matapos itong madagdagan ng 36 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 7,893 nito ay mga gumaling na sa sakit at ang 60 naman ay bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot sa virus.

Kaya naman ang active cases ngayon sa lungsod ay nasa 183.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang mga bagong naitalang kaso ay dahil sa epektibong active case finding ng mga close contact ng mga nai-ulat na confirmed cases kamakailan.

Sa pamamagitan nito, ay agad na natutukoy ang mga kaso ng COVID-19 at agad ilalagay sa ilalim ng testing at quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.

Facebook Comments