Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig, umabot na sa higit 8,500

36

Sumampa na sa 8,549 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa lungsod ng Taguig, matapos madagdagan ito ng 29 sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit o CEDSU.


Mula sa nasabing bilang 8,339 nito ang mga gumaling na, matapos magkaroon ng 19 na bagong recoveries.

Habang ang 62 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.

Ang active cases ng COVID-19 sa lungsod ay nasa 148 na lang na patuloy naman binibigyan ng tulong medikal at nananatili pa rin sa local isolation facility ng lungsod.

Facebook Comments