Bilang ng kaso ng HIV sa Pilipinas – tumaas

230

Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa ngayong taon.

Sa datos ng Department of Health, pumalo na sa 986 ang bilang ng HIV cases sa buwan ng Marso ngayong taon na 36 percent na mas mataas kumpara noong 2016.

Pinakamaraming naitalang kaso sa National Capital Region na mayroong 309 at sinundan ng 135 na kaso mula sa Calabarzon region.

Nasa 107 HIV cases naman ang naitala sa region 3, 76 sa region 7, 52 sa region 11 at kabuuang 289 na kaso sa iba’t iba pang bahagi ng bansa.

Karamihan sa mga kaso ay resulta ng pakikipagtalik lalo na ang magkaparehong kasarian, needle sharing ng mga drug users at ang paghawa ng HIV-positive na ina sa kanyang anak.

Kadalasang nagpopositibo sa naturang sakit ang mga nasa edad 25 hanggang 34-anyos.

DZXL558

Facebook Comments