Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, nasa mahigit 10,300 na

40

Umabot na ng 10,387 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, matapos itong madagdagan ng 17 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 9,788 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit at 381 ang mga nasawi.


Habang ang 218 naman ay bilang ng active cases sa lungsod.

Kaya naman muling nagpaalala si Makati Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Facebook Comments