Bilang ng kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng Bagyong Maring, nasa 22 na!

99

Umakyat na sa 22 ang kumpirmadong nasawi bunsod ng pananalasa ng Bagyong Maring.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), may napaulat na 39 nasawi kung saan 22 ang kumpirmado habang 17 ang patuloy na bineberepika.

Tinatayang aabot na sa 2.015 bilyong piso na ang halagang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura kung saan 1.3 bilyon dito ay sa Ilocos region naitala.


Nakapagtala rin ng 952 milyong pisong halaga ng danyos pagdating naman sa imprastraktura.

Nasa 7, 400 kabahayan ang napinsala habang 268 daanan at 34 tulay ang naapektuhan bunsod ng pananalasa ng Bagyong Maring.

Facebook Comments