Bilang ng manlalarong nahawaan ng COVID-19 sa Tokyo Olympics, umakyat sa 79

42

Umakyat na sa 79 ang bilang ng mga manlalarong nahawaan ng COVID-19 bago pa man mag-umpisa ang Tokyo Olympics.

Ayon sa Tokyo Olympics officials, isang atleta mula sa kategorya ng taekwondo ang kauna-unahang nag-withdraw mula sa kumpetisyon matapos mag-positibo sa COVID-19.


Bumiyahe naman si Fernanda Aguirre mula Uzbekistan papuntang Japan ngunit hindi siya makakasali sa patimpalak dahil nagpatupad ng 10 na araw na quarantine ang otoridad ng Japan.

Sa ngayon ay nailipat na si Aguirre sa isolation facility upang sumailalim sa quarantine.

Facebook Comments