Bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa sa mahigit 54,000

Bumaba pa sa 54,235 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,602 na recoveries.

5,979 naman ang bagong kaso habang 72 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,149,925 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

1,076,428 naman ang kabuuang recoveries habang 19,262 naman ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments