Bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nabawasan; DFA, wala muling naitala na Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa virus

90

Kung sa mga nakalipas na araw ay naging consistent ang mahigit anim na libong bagong COVID-19 cases kada-araw, ngayon ay nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng 2,965 na bagong kaso.

Sa ngayon, umaabot na ang total COVID-19 cases sa bansa sa 197,164 kung saan 61,730 ang aktibong kaso.

368 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 132,396.


Habang 34 ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay pumalo na sa 3,038.

Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala muling Pilipino sa abroad ang binawian ng buhay sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 742.



25 na mga Pinoy naman sa Asia and the Pacific, Amerika at Middle East ang panibagong na-infect ng virus.

Bunga nito, umaabot na ang total cases sa 10,028 kung saan ang aktibong kaso ay 3,257.


15 naman ang panibagong gumaling sa virus kaya ang total recoveries ngayon ay 6,029.

Facebook Comments