Bilang ng mga bagong namatay sa bansa sa COVID-19, muling tumaas

58 ang panibagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Bunga nito, ang total deaths na ay 9,321 o 1.94%.

937 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 479,693.


Ang aktibong kaso naman ay 21,997 o 4.6%.

114 naman ang recoveries kaya ang kabuuang bilang na ng mga gumaling sa bansa sa COVID ay 448,375 o 93.5%.

Ang Davao City ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ngayong araw.

Sumunod naman ang Isabela, Agusan del Sur, Pampanga at Misamis Occidental.

Facebook Comments