Bilang ng mga binabawian ng buhay sa bansa sa COVID-19, bumababa na

27

Bahagyang bumaba sa 59 ang bilang ng mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

7,837 naman ang bagong gumaling habang 4,734 ang mga bagong tinamaan ng virus.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,113,547 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 56,752.

Ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay 1,038,175.

Habang ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 18,620.



Facebook Comments