Patuloy na pinapataas ang bilang ng mga DOT-Accredited Tour Guides sa Ilocos Region upang makasabay sa tumataas na bilang ng mga dumadayong turista sa rehiyon.
Sa ginanap na Kapihan sa Ilocos ng PIA, inilahad ni DOT Region 1 Regional Director Evangeline Dadat na nasa 203 Tourism Industry Training target na maisagawa ngayong 2025 mula sa 151 trainings noong nakaraang taon.
Sa kasalukuyan, nasa 33 Regional Tour Guides ang accredited ng tanggapan habang 158 naman ang Community Guides na may specialization sa iba’t-ibang aktibidad tulad ng bird watching, diving at surfing.
Nanindigan ang tanggapan na patuloy na tutugunan ang mga pangangailangan sa yumayabong na turismo ng rehiyon bilang isa sa pangunahing nagbibigay ng trabaho sa ilang residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨