Bilang ng mga gumagaling na PNP personnel sa COVID-19 patuloy na tumataas

29

Dumarami ang mga gumagaling sa Coronavirus disease sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ngayong Oktobre 11, may kabuoang 40,887 na confirmed cases sa PNP.


Sa bilang na ito, 39,474 ang gumaling na sa COVID-19 ngayon at naka-fully duty status na. Huling gumaling ay umabot sa 103 PNP personnel.

Kapansin-pansin rin ang pagbaba ng active cases sa PNP nitong nakalipas na 9 na araw.

Batay sa datos ng PNP health service, October 1, 2021 nakapagtala sila ng 2,023 active cases at nitong September 17, 2021 nakapagtala sila ng 3,214 active cases.

Pero sa ngayon umaabot na lang sa 1,292 ang active cases sa PNP.



Facebook Comments